CHAPTER 2 : CLUB
Yan, sa dami kong kinain. Busog na busog na ko. Parang di ko na ata kaya tumayo. Pero hindi pwede. Ayoko. Sasama parin ako. Walang makakapigil sakin. No way. Im still going.
“oh ready naba kayo??” sabi ng kuya ko samin.
“SURE!!!”ang sagot ko.
“parang may nawawala?” sabi ko ng may pagdududa.
“anu naman yun?” sabi ni kabayo(joke).
“hindi wag na lang. Never mind na lang” ang sagot ko.
Pero sa isip ko meron padin kulang. Di ko lang talaga maalala. Hmm.. anu kaya yun. Sige christa alalahanin mo. Kaya mo yan.
Hanggang dumating kami sa club. Hindi ko na naalala. Sige party lang ng party walang ginawa kung hindi mag sayaw. Inaaya pa nga nila ako uminom eh pero ayoko. Di kasi ako umiinom ng alak. Juice o tubig okey pa.
“uy, christa” sabi ng isang lalake na ngaun ko lang nakita.
“ha? Sino ka? At pano mo nalaman pangalan ko?” ang sabi ko
“christa! Di mo nab a ako naaalala?”
“Hindi, at sino ka ba?”
“Si marlon! Classmate mo nung high school”
“ah, hi marlon. Sorry di na kita kasi na aalala”
“okey lang yun. Palipat lipat ka kasi ng school ”
“Oo nga eh, kaya sorry talaga” sabi ko sa kanya ng may pagtataka padin.
Naaalala ko na nga sya. Sya yung lalake na naging classmate ko na may crush sakin dati. At niligawan pa ako. Pero ayoko kaya pinahiya ko sa sa buong school. Ang sama ko. Pero ang lakas padin ng loob nya nun. Dahil hinalikan nya ako nun. Kainis, pero hindi ko padin sya sinagot. Lagi na lang ako nagpapahiya ng tao. Lalo na kapag sobrang nakakabwisit na. kung hindi ko kasi yun gagawin. Hindi nya ako titigilan diba? Mga may sira na ata sa ulo. (joke wag damdamin).
“wanna dance?” sabi nya.
“ayoko nga..magsayaw kayo ng mukha mo!” sagot ko. Nakakairita na kaya yun.
“di ka padin nagbabago!” ang abi nya sakin. Naparang manliligaw na naman ata sakin.
“talaga lang ha? So what naman. Inggit ka?” ang sabi ko sa kanya ng medyo galit.
“wala. Namimiss lang talaga kita”
“sus, nambola pa. nakz ikaw din di ka pa nagbabago”
“hahaha. Ganun!”
Tapos nagkahiyaan na kami. Sabay alis ko. Sayaw na naman ang inatupag ko. Pero yung cp ko. Di ko padin nakakalimutan. Kainis yung lalakeng koreano siguro ang nakakuha nun. Kainis talaga di kasi ako nag iingat eh. Pero sana makuha ko yun.
Pagabi na ng pagabi. Pero di padin kami tumitigil. Eh wala na akong magawa. So nilapitan ko na lang si marlon. Magsayaw daw kami. Ayoko nga. Ang kulit nya. Sobra. Sarap sampalin(joke di ko nman gagawin).di kasi ako masamang tao. Sa utak lang yun at hindi ko tototohanin. Kasi alam ko masama. At ayokong makasakit ng tao.
Sa sobrang pagod kakasayaw, naupo na lang ako. Sobrang napagod ako. Yan tumabi na naman sakin si Marlon.
“uy, lets dance na kasi” sabi nya sakin na nangungulit pa
“sige na nga! Ang kulit mo kasi” sagot ko sa kanya, angrily.
Hay, ang galing nya pala magsayaw. Hanga ako sa kanya. Tapos nung high school kami. Ang galling nya kumanta. Pero makulit nga lang. uhm… yan biglang nag slow dance.
“uhmm…” sabi nya na parang may gumugulo sa isip nya.
“bakit?” tanong ko sa kanya na nagtataka.
“pwede ka bang ligawan. Sigurado akong wala ka pang bf o meron na?” tanong nya
“ha? Wala pa akong bf? Never akong nagkabf.”, sagot ko sa kanya na medyo nagulat
“so, pwede kang ligawan?” tanong nya sakin.
“Oo, pwede.” Sagot ko na may kasamang ngiti.
Tawa lang sya. Ano ba? Bakit ko sinabi na pwede? Eh, alam ko naming wala syang pag-asa.
“Marlon?” sabi ni kuya.
“Bakit po?” tanong nya
“wag mong paiiyakin kapatid Ko. Kung hindi ako makakalaban mo” paalala ni kuya kay marlon.
“kuya!” sabi k okay kuya na pagalit.”alam ko naming di nya gagawin yun”
“okey” sabi sakin ni kuya
Tapos hinatak ako ni ate. “sya yung crush mo dati diba. Yung pinahiya mo?” tanong sakin.
“Oo!” sagot ko. Okey guyz. Naging crush ko nga sya. Ayoko kasi na gusto din ako ng crush ko.
“ayieh!!! Kaw ha?” sabi ni ate sakin sabay tawa nya.
Hanggang ngayun crush ko padin sya. Kasi iba sya sa lahat ng mga lalake. He have the gutz. To so those things na wala pang nakakagawa. Kahit na pinahiya ko sya nun. Di padin nya ako tinigilan. Kaya pinabayaan ko na lang hanggang sa time na nagrecognition na kami at nawalan na ako ng mga balita tungkol sa kanya.
Hay ang pag-ibig talaga. Wait!, change topic.. lets continue the story na lang.
Nakita ko yung koreano na binuhusan ko ng juice. Ano gagawin ko? Kukunin ko nab a yung phone ko sa kanya? O hindi?. Habang nakaupo lang ako dun tinitignan yung koreano. Bigla syang lumapit. Nanigas ako at nanginginig. Di ko alam anung gagawin ko. Tatayo ba ako o hindi? Habang palapit sya ng palapit. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Hi”, sabi nya
“ahm..ah..ahmm..uhmm”
“why?”
“nothing, uhmm.. you have my phone right?” I said.
“yes, here it is”, sabi nya na parang nahihiya pa.
“thanks”, sabi ko.
“pwede bang mahingi cp num mo?” ang sabi nya sakin.
Nagulat ako. Marunong sya magtagalog. Pano? Nag-aral sya? Ewan?
“yup!” sagot ko.habang binibigay nya yung phone”marunong ka magtagalog?”
“Oo, ditto kasi ako nagaaral”, sagot nya habang binabalik ko sa kanya yung cp nya.
“Wow” sabi ko. Gulat na gulat ako nun. Astig pala sya.
Bigla kaming nilapitan ni marlon.
“Oh, kaibigan mo?” tanong sakin ni marlon.
“Oo” sagot ko.
“masyado ng gabi. Bukas na lang. text nyo na lang ako. Uuwi na kami at pagod nadin ako at lasing na ata sina kuya at yung iba ko pang pinsan. Geh, bye!” sabi ko sa kanila.
“sige, bye!” sabi nilang dalawa sakin.
Di ko siya makalimutan. Mali sila pala. At bakit di ko nga pala tinanong pangalan nya? Kainis. Ano kaya pangalan nun. Siguro kim apelyido nun kim siguro o lee. Halos ganon ang apelyido ng mga koreano.
CHAPTER 3: NIGHT
Kakauwi lang. lasing na syung iba sa amin. Ang sarap talaga sa kwarto ko. Ang lamig syempre naka aircondition ang kwarto. Wow! Haha. Habang nasa higaan. Nakikinig ng muzik sa aking Ipod. Biglang may nagtext sakin.
=Eow! C Marlon 2h! Kmxta ka na? Nkauwi k n b?=
Akala ko naman yung koreano. Gulat ko eh.
=ui! Magrepz k nman! Christa plz. Magrepz k n!=
Ang kulit eh. Pero hindi ko padin sya pinapansin. Yan na nga ba sinasabi ko. Pinapaasa ko lang si Marlon saw ala. Kasi parang may gusto na ako dun sa koreano. Ang pogi kasi.(joke) Mabait kasi. Pero ganun din naman si Marlon. Pero parang may isang bagay na wala si Marlon na meron yung koreano nay un. Charisma? Hindi din. Pogi? Hindi din. O dahil sa koreano sya? Hindi din. Ano kaya yun.
=HI! Is dis Christa?= text message sakin nung koreano.
Nagsisisigaw ako. Ano na ibig sabihin nun? Ewan? Basta kinilig ako agad. Ganun? Basta may ganun.
=Oo, c christa Nga 2h. aNo Nga pala Name mO?= reply back ko sa kanya
Sa sobrang kilig ang bilis ko tuloy magtext. In love na ba ako?
=im Mike..kim minkey but mike 4 shOrt= what a cute name naman..
=ah! Nice name. wOw kim miNkey ang cute is it pronounce as MiNki or as minkey talga?= tanong ko sa kanya.
Bigla syang tumawag. Wow dami sigurong load.
“Hello”
“Hi”
“Its minkEy as in minki.”
<*tawa ako*>
“nice name” sabi ko
“ang ganda pala ng voice mo” ang boses nya ay parang inaantok na ”at kasing ganda mo”
“wow thanks” angs agot ko
Nag usap kami ng nagusap. Ang dami talaga siguro nung load.
Meron pang part dun na nag kokorean sya. Kahit hindi ko naman maintindihan.(nagpapaturo kai ako)
“UY! ANG INGAY MO DYAN CHRISTA! MAY KAUSAP KA BA DYAN?” sabi sakin ni ate
“WALA” sigaw ko sa kanya.
“text text na lang ulit napapagalitan na kasi ako eh” sabi ko kay mike.
Talagang kinikilig ako kapag sinassabi ko yun word na MIKE. Parang In LOVE na nga ata ako. Ewan. Di ko talaga maexplain eh. Because LOVE HAS NO MEANING nga naman. Totoo kaya yun.
=tulog ka na!= sabi nya sakin
=di pa ako inaantok. Kaw N laNg ang ma2log?=
=cge, gud Nyt N!= ang lst na repz nya sakin nung gabi nay un.
=gud NyT also, sweet DreaMs, Take cAre=
Di talaga ako makatulog ng gabi nay un. Kilig na kilig kasi ako nun. Lagi kong iniisip kung ano ginagawa nya dun. Hahaha.
So nagbukas ako ng LaptoP ko. Apple Mac yun. Wow astig. Tinignana kyung facebook account ko. Aba, daming message sakin ni Marlon. Kaibigan ko pala sya sa fb. Bakit hindi ko alam. Well nevermind na lang. ang nakalagay sa message nya:
[hello..musta na. bakit di ka nagrereply. Naiinis ka bas akin. Akala ko ba pwede ka ng ligawan. Boyfriend mo ba yung lalake kanina?]
So nagreply ako:
[boyfriend? Anong boyfriend pinagsasabi mo? Hindi noh. Friends lang. ak okey lang. eh ikaw.]
So, yun ung reply ko. Naglaro na lang ako ng Farmville nun. Wala kasi makachat eh. Katamad tuloy. Pero di pa din ako makatulog. Hindi din nga ako inaantok eh. Insomnia ba to? O ewan? Pabayaan na nga lang natin.
Lumabas ako sa kwarto ko. Pumunta akong kusina. Aba aba.. mga gising pa ung iba kong mga pinsan. Nagninitendo wii. Sosyalin ah.
“oh, christa. Sali ka?” sabi ng isa kong pinsan na lalake.
“cge, pero di ako marunong.”
“tuturuan na lang kita?”
“cge!”
Hanggang sa natuto na ako. Natatalo ko na nga mga pinsan ko na nagturo sakin eh.(ang yabang ko). Bawal mayabang. Sorry, di sinasadya magyabang. Hahaha. Yan lalo akong hindi inantok nan. Pero sumasakit na mga mata ko. Kawawa naman pala ako.
Edi, tutulog na daw sila. Bukas na lang daw ulit. Owz? Matutulog na sila. Di nga? Pagtingin ko sa watch ko. 3 na pala. AM. Di ko na talaga namalayan. Parang gusto ko na talagang matulog pero hindi parin ako inaantok.
Pasuntok na lang kaya ako. Ayoko, masakit yun. Biglang may kumatok sa pinto.
“christa?” tawag ako ni kuya.“si Marlon nan dito sa labas.”
“kuya!, di pa ako natutulog. 3 na. ayoko ng lumabas ng kwarto.” Sagot ko
“christa! Lumabas ka dyan!” sigaw sakin
“ayaw ko sinabi eh,ano ba problema ng Marlon nay an! Di pa nga ako natutulog at ang aga pa!” sigaw ko sa kanya. Talagang ang laki na ng aking eyebug. Pasuntok na nga talaga ako kay kuya.
Tapos, tumigil na si kuya. Hay salamat, peace and quiet. Pag tingin ko sa vp ko. Aba, 34 messages galling kay marlon at ang nakalagay ay puro HI, MAGREPZ KA NAMAN.
Ako’y na bwibwisit na talaga sa kanya. Kaya tinawagan ko na.
“HOY! TIGIL TIGILAN MO NA NGA AKO! PLEASE! PLEASE! KUNG KAIBIGAN TALAGA KITA,MAIINTINDIHAN MO KUNG BAKIT!PLEASE! PLEASE!”
Pagkatapos nun. Di na sya nagsalita kaya tinurn off ko na lang ung cp ko.
Nagpatugtog na lang ako. Hanggang sa makatulog na ako. Mga 4 na yun. Kainis, ang gulo kasi eh. Biglang mga 5:00 na. may kumatok nanaman ng pinto ko. Si ate naman.
“Christa? Gumising ka na dyan. Aalis na tayo.”
“ayoko pa. antok pa ako. Isang oras pa lang akong nakakatulog. Nakakairita na kayo eh.”
“christa? Bangon na. Sige, iiwanan ka naming talaga.”
“ayaw! Sige iwanan nyo ako. Wala akong pake.”
Iniwanan nga nila ako. Inaantok padin talaga ako. Buti na nga lang, nakatulog ako.
Tapos, natulog na ulit ako.